Mawalang Galang Na Po, Aso po Ba Kayo?

What is it about men and a rainy day and their uncontrollable urine/sexual urges?

Hindi ko alam kung bakit suki ako ng mga bastos na lalaki, pero eto ang ilan sa mga karumal-dumal kong karanasan sa kanila:

Story 1: Sa Baguio, nakatira ako sa Upper Engineer’s Hill. Sa kasamaang palad, pataas ang lugar na iyon. Kung alam mo ang tinutukoy kong lugar, maaalala mong may malaking puno sa ibaba ng pataas na lugar na ito, katabi ng waiting shed, papunta sa DILG na kainan. Noong hapong iyon, kakatapos lang namin mag-edit ng music video na ginawa namin para sa isang Broadcasting subject. Dala ko ang aking laptop, naka-skirt ako at umaakyat pauwi sa boarding house. Naaalala ko pa, may kaunting ulan noon at madilim na ng bandang alas singko ng hapon. May lalaking sumusutsot sa akin, nakita ko sa peripheral vision ko na nasa gilid lamang siya ng puno. Hindi ako lumilingon dahil akala ko, si Davin lamang iyon, boyfriend noon ng kabahay ko. Akala ko niloloko niya lang ako. Pero hindi, patuloy pa rin ang pagsutsot ng lalaki. Nakulitan ako, napilitan akong lumingon. Yun ang pinakamatinding pagkakamaling ginawa ko. Nakita ko siyang may ginagawang kabababalaghan with his tool. Tumakbo ako paakyat kahit sobrang hingal na hingal ako sa takot na baka ma-rape ako (not that may magkaka-interes, pero you’ll never know for sure. better safe than sorry)

Story 2: Hinatid ko ang kapatid ko sa school niya, na katapat lamang ng village namin. Pagkatawid ko pauwi, may nakita akong mama. Walang kahiya-hiya niyang itinaas ang isang side ng shorts niya para ilabas ang kaniyang tool para umihi sa poste. Kitang-kita ko ang kaniyang tool at pati na rin ang nakalawit na bola. Muntik na akong mahimatay nang ma-realize ko ang nangyayari. Dumaan ako sa kaniyang likod at sinabing: “Duwag! Bat ka nakatalikod? Muka bang CR to?” Ang sabi niya lang ay isang brave na “Anong sabi mo?” Tumakbo na ako papunta sa guard house.

Hello, mawalang galang na po sa mga lalaki: Aso po ba kayo? Bakit ganyan kayo? Hindi makapagpigil. *shivers all over*

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s