ISANG ARAW, NG IBALIK NG TAXI DRIVER ANG WALLET KO.
nagmamadali akong umalis ng bahay dahil as usual, late na naman ako sa meeting ko ng 3pm, isang sabado ng hapon. kalat-kalat pa ang gamit sa bag ko dahil minadali ko lang gawin yung cluster reports and agenda ng meeting at sinuksok ko lang lahat sa bag ko. nag-taxi ako bandang 3:30 sa tapat ng village namin (tapat ng st.patrick). panay ang tunog ng cellphone ko habang kabi-kabila ang tawag ng mga tito sa akin. basta yun na yung eksena. haggardness na naman ever kaya tuliro na talaga ako.
bago bumaba, magbabayad na ko. naalala kong inutang pala ni daddy yung natitira kong barya na 200. pero just to check, binuksan ko ang wallet ko na naglalaman ng _ _ k (hindi pala 1 digit, 2 digits pala, taliwas sa naikwento ko kahapon). sabi ko: “manong, wala po akong barya e.” sabi niya: “nako kaka-byahe ko lang (bagama’t 4 na ng hapon). kahit singkwenta na lang.” naalala kong sinabi ko pa na “wala po talaga eh.” at pinakita ko pa sa kaniya ang laman ng wallet (which is stupid. haha.). ichineck ko ang aking coin purse, at may 60 php doon. akala kong naipasok ko ang wallet ko sa bag ko bago ko ilabas yung coin purse ko. bago ako bumaba, may babae ng nagbukas ng front passenger door para itanong kung maghahatid daw ba yung taxi sa fatima, pero tinanggihan ng taxi. sa right door ako dumaan dahil naka-lock yung left door (at sa right naman karaniwang bumababa). Continue reading “ISANG ARAW, NG IBALIK NG TAXI DRIVER ANG WALLET KO.”