ISANG ARAW, NG IBALIK NG TAXI DRIVER ANG WALLET KO.

nagmamadali akong umalis ng bahay dahil as usual, late na naman ako sa meeting ko ng 3pm, isang sabado ng hapon. kalat-kalat pa ang gamit sa bag ko dahil minadali ko lang gawin yung cluster reports and agenda ng meeting at sinuksok ko lang lahat sa bag ko. nag-taxi ako bandang 3:30 sa tapat ng village namin (tapat ng st.patrick). panay ang tunog ng cellphone ko habang kabi-kabila ang tawag ng mga tito sa akin. basta yun na yung eksena. haggardness na naman ever kaya tuliro na talaga ako.

bago bumaba, magbabayad na ko. naalala kong inutang pala ni daddy yung natitira kong barya na 200. pero just to check, binuksan ko ang wallet ko na naglalaman ng _ _ k (hindi pala 1 digit, 2 digits pala, taliwas sa naikwento ko kahapon). sabi ko: “manong, wala po akong barya e.” sabi niya: “nako kaka-byahe ko lang (bagama’t 4 na ng hapon). kahit singkwenta na lang.” naalala kong sinabi ko pa na “wala po talaga eh.” at pinakita ko pa sa kaniya ang laman ng wallet (which is stupid. haha.). ichineck ko ang aking coin purse, at may 60 php doon. akala kong naipasok ko ang wallet ko sa bag ko bago ko ilabas yung coin purse ko. bago ako bumaba, may babae ng nagbukas ng front passenger door para itanong kung maghahatid daw ba yung taxi sa fatima, pero tinanggihan ng taxi. sa right door ako dumaan dahil naka-lock yung left door (at sa right naman karaniwang bumababa). ngayon, pag baba ko pala ay may nagtatangkang pumasok from the left door of the taxi. kaya lumingon ang taxi sa likod para buksan ang lock ng taxi. tamang-tamang paglingon niya ay nakita niya ang wallet ko. hindi niya tinanggap ang pasahero at ipinag-bigay alam sa pulis na naiwan ko nga ang wallet ko. pinahabol niya ko pero sa dami ng tao, at sa bilis kong maglakad, di na daw ako nahabol. nagtalo pa sila ng gwardiya kung sino ang kukuha ng wallet ko. kaya nagkasundo sila na iwan sa opisina ng SM ang wallet ko dahil hindi nila pinagkakatiwalaan ang isa’t isa. pero naghintay pa daw sila ng matagal sa baba para kung sakaling bumalik ako.

bumalik ulit ako kung saan ako bumaba, pero wala na yung taxi. naisip ko ng magtanong sa mga gwardya pero di ako sigurado kung saan ko talaga nawala yung wallet ko. di umiyak na lang ako. pinagalitan pa ko ni daddy at mami. tas di ko na ma-facilitate yung meeting kaka-hikbi. pero nakuha ko pa ding kalimutan ang nangyari at umattend ng christmas party ng singles, magstarbucks at umattend pa ulit ng party ng youth. attend lang ng attend, kesa naman maglungkot-lungkutan ako, edi lalong walang mangyayari sakin. nagtiwala lang talaga ako kay Lord na may kapalit yun.

pansamantala, pinag-usapan daw ng driver at ng asawa nya kinagabihan yung tungkol sa wallet ko. hindi daw makatulog yung driver kasi di xa mapakali; baka daw pag-interesan nung gwardya yung wallet ko. sabi ng asawa niya “bukas na bukas, hanapin mo kung sino talaga ang may ari, hindi yung kung kanino mo lang iniwan.” at yun nga ang ginawa niya.

habang nag-gugupit ng mga food stub at nag-aayos ng reg table, tumawag ang pinsan ko. bungad sakin, “ate, nandito yung taxi driver na nasakyan mo kahapon!” sabi ko, “nanjan wallet ko??” at nakausap ko na nga yung driver. binigay niya sakin yung plate number niya, pangalan ng taxi, cellphone number niya at pangalan niya. si manong Miguel (kapangalan pa ni angel miguel at ng lolo ko). sabi niya, magkita daw kami sa SM para ma-claim ko ang wallet ko; kailangan ko daw kasama siya para ibigay sa akin yun. di ko na alam yung nangyari. basta naiiyak at nahihibang na ko sa tuwa dahil tanggap ko na talagang wala na kong pera ng christmas. naisip ko pa ngang singilin na ang mga nagkakautang sakin para may pera ako. pero. ewan! basta. beyond words yung feeling. nag-worship pa nga kami at kinanta ko yung “how great is our God” ng bigay na bigay talaga. HOW GREAT!

sinundo agad ako ni daddy sa DAR kasama yung driver at pumunta kami sa SM. habang nasa sasakyan, kinekwento niya sa akin yung nangyari. na nakita nga niya yung wallet kong nakabukangkang pa sa upuan. na pumunta pumunta siya sa SM ng linggo ng umaga para itanong kung nakuha ko na ung wallet ko. na nagbaka-sakali siyang pumunta kung saan niya ko isinakay nung sabado para dun ako hanapin, matapos malamang hindi ko pa nakukuha yung wallet ko. dala-dala ang isang papel na nakalagay: “Philip Jhames Lomongo Garcia” (dahil ID lang ni PJ ang tanging laman ng wallet ko. ala akong id doon, picture lang), ipinagtanong niya sa guard ng village namin kung may kilala daw ba silang Garcia na taga-doon. 2 Garcia pa ang kanilang pinuntahan bago niya idinescribe sa guard ang itsura ko. kaya dito na sila sunod na nagpunta sa bahay. dito nga nag-usap na sila ng mga lola ko, mga pinsan kong kinakantsawan akong kung sana ay ipinang-yellowcab na lang daw namin, edi may saysay pa. (ano kayo ngayon, mga pinsan! bleh!!!)

kaya nung nandun na sa SM, pina-describe sakin ang itsura at laman ng wallet at ipinasulat ako ng statement, gaya ng pagpapasulat kay manong Miguel ng statement. at doon nakuha ko na nga ang wallet ko at binigyan ko si manong ng 1k. kulang pa nga yon sa effort niyang hanapin ako, sa di niya pag-boundery ng kalahating araw, sa abala, at siyempre ang hindi mababayarang kagandahang loob niya. hinding-hindi ko makakalimutan si manong Miguel at promise, itetext ko siya at ipagdadasal kong maging maganda ang bukas nila ng pamilya niya.

afterthought 1: nalihis kasi ako ng landas. masyado kong naiisip yung pera lately. siguro tinuro lang ni God yung priorities ko, kung ano talaga ang mahalagang bagay. nakalimot kasi ako. God taught me na in my nothingness, i have Him. He taught me to be humble. without Him, I am nothing.

afterthought 2: bad ang SM. pi-nage daw nila ako, pero wala akong narinig. gang 6:30 ako sa SM, wala akong narinig na public service announcement. at paano naman nila malalaman kung sino ang ipe-page e id lang ni PJ ang nasa wallet ko? take note: id ni PJ nung highschool, sa abu dhabi. ano yun, balak nilang bulukin yung wallet ko dun sa kanila? at wala sila talagang balak ipaalam sakin na nawawala ang wallet ko? at bakit nila kinuha yun, eh hindi naman sa SM nawala yung wallet? kung hindi talaga ako hinanap ni manong, di ko un makikita. at di ko malalaman na nasa SM pala yung wallet ko. buti na lang.

afterthought 3: meant talaga na makita ni manong un kasi 2 pasahero na yung muntik sumakay, hindi nangyari kaya hindi nila nakuha yung wallet ko. imagine, tinanggihan niya yung unang pasahero tas yung pangalawa, sa kaliwang pinto dumadaan. kung nagkataong hindi pumihit si manong para buksan yung door, di niya makikita yung wallet ko.

afterthought 4: meant talagang maibalik yun sakin kasi id ni PJ ang nandun. kung hindi kami magka-apelido at kung hindi niya ipinagtanong yung “Garcia” sa village namin, ewan ko lang kung makita ako ni manong. may silbi pala na magkaapelido tayo! :))

yun lang. ang galing mo God. salamat ng super marami. usap tayo mamaya para personal akong makapag-pasalamat sayo. sana maging inspirasyon tong kwento kong to bago mag-Pasko. it’s something worth sharing. πŸ™‚

Advertisements

2 thoughts on “ISANG ARAW, NG IBALIK NG TAXI DRIVER ANG WALLET KO.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s