How To: Judge Others Based on His/Her Religion

Isang araw, pauwi ako. Nag-taxi na ako dahil nahihilo na ako sa antok.

Sa taxi, tuwang-tuwa ako kasi Fall ng Hillsong United yung kanta. Pakanta-kanta pa ako sa backseat.

Nasa EDSA na kami ng biglang pinatay ni kuya yung radyo. Medyo nadismaya pa ako dahil naunsyami ang pagkanta ko. Sabay sabi ni Manong, “Born Again Christian ka sis?” Sabi ko ng may proud na ngiti, “Catholic po.” Walang preno niyang sabi, “Pag dating ng Apocalypse, ang mga mananampalataya, na gaya ko, ay titipunin ng mga anghel patungong langit. Iyan ay dahil sinabi niya sa bibliya na tanging mga born again lamang ang makakapunta ng langit, ang mga wala ng bahid ng kasalanan na nagmula pa kina Adan at Eba.”

“Samantalang ang mga hindi mananampalataya (nilagyan niya ng pause, for effect), gaya mo, ay tatatakan ng mark of the beast na 666 sa kamay o sa noo. Nabasa mo na ba ito sa bibliya?”

Ako, hindi naka-react agad dahil hindi ko pa mapagtanto na tinawag akong hindi manananampalataya ni kuya. Ng maka-recover na ako, sumagot ako, “Opo, sa Revelations po. Nagbabasa po ako ng bible. Nabasa niyo na po ba yung part na ‘Huwag manghusga ng kapwa?'”.

Malinis ang intensyon ni Manong drayber. Hinahangaan ko siya sa intensyon niyang mag-evangelize ng kapwa na dinala niya pa sa kaniyang trabaho. Pero sana kuya, hindi mo naman ipinahalata sa akin na hinusgahan mo ako na hindi ako nagbabasa ng bibliya at hindi ako nananampalataya, dahil lang sinabi ko sa iyo na Katoliko ako. Siya na nanghusga ng kapwa ay siya ring mabilis na huhusgahan ng Panginoon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s