Unang Tula.

Pitong taon na ang lumipas nang huli akong sumulat ng tula. Pitong taon mula nang aking itinago ang mga papel at panulat. Pitong taon kong kinalimutan at binura sa isipan at sinabi sa sariling hindi ko na ito babalikan. Matagal-tagal na rin akong naghahanap ng mga kasagutan; mga bagay na hindi ko naman naiintindihan. Pilit hinahanap ang liwanag sa mga eskenitang nababalot ng kadiliman. Araw-araw, tinatahak ang daan na magdadala sa akin ng kasiyahan. Pitong taon na ang lumipas ngunit wala pa rin akong kasagutan. Marami pa ring tanong sa aking isipan. Marami pa ring alinlangan. Hindi pa rin mapakali … Continue reading Unang Tula.