Unang Tula.

Image via hearthstonechampion.com
Image via hearthstonechampion.com

Pitong taon na ang lumipas
nang huli akong sumulat ng tula.
Pitong taon mula nang aking itinago
ang mga papel at panulat.
Pitong taon kong kinalimutan
at binura sa isipan
at sinabi sa sariling hindi ko na ito babalikan.

Matagal-tagal na rin akong naghahanap ng mga kasagutan;
mga bagay na hindi ko naman naiintindihan.
Pilit hinahanap ang liwanag
sa mga eskenitang nababalot ng kadiliman.
Araw-araw, tinatahak ang daan
na magdadala sa akin ng kasiyahan.

Pitong taon na ang lumipas ngunit wala pa rin akong kasagutan.
Marami pa ring tanong sa aking isipan.
Marami pa ring alinlangan.
Hindi pa rin mapakali
at hindi sigurado sa sarili.
Wala pang naaabot,
at puno ng bilbil at pagsisisi.

Marahil wala na ngang kasagutan sa mga tanong.
Marahil hindi pa ito ang tamang panahon.

Wala mang taong nakakaintindi,
Magdamag mang ngumalngal sa mga tenga ng bingi,
Bumalik pa rin ako sa mga blangkong pahina
At sa panulat na hindi nauubusan ng tinta.

Muling inilabas ang papel at panipi
matapos ang pitong taon ng pagwiwili
at sumulat ng mga katagang para sa iyo.

Oo.
Ang muling pagsulat ko ay dahil sa iyo
at ito ang unang tulang isusulat ko para sa’yo
dahil kahit gaano katagal ko mang itinago,
ginising mo ra rin ang natutulog na damdamin ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s